GCF NAGA Tagalog Sermons

Ang may akda ng sulat sa Hebreo ay pinatotohanan na si Cristo ay nakahihigit sa mga propeta. Ang Diyos ay nagsalita sa pamamagitan ng mga propeta sa Lumang Tipan. Subalit ngayon, ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Hanggang sa panahong kasalukuyan, ang mensahe ng Diyos ay ipahahayag sa pamamagitan ng Anak. Si Cristo ay higit na dakila sa mga propeta. Si Cristo ay nakahihigit maging sa mga anghel. Napakalaki ng pagkakaiba. Ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod sa Diyos. Subalit ang kanilang kalagayan ay hindi maihahalintulad sa Anak ng Diyos. Ang mamamayang Judio noon ay naniniwala na ang mga anghel ay nilalang na binibigyan ng mataas na parangal. Naniniwala din sila na ang mga anghel ay katulad ng isang konseho sa harap ng Diyos. Ipinaliwanag ng sumulat ng Hebreo na ang mga anghel ay espiritung tagapaglingkod, na hindi mataas ang kalagayan kumpara sa Anak. [Arnel Rivera]

What is GCF NAGA Tagalog Sermons?

GCF NAGA is a family-oriented community church that focuses on building strong families grounded in the Bible. We value studying the Word in its context, and preaching it in chronological exposition. This is an archive of our Tagalog Sunday service messages. For more info, check out www.gcfnaga.com. *NOTE: MORE SERMONS TO BE UPLOADED SOON!