TALK SH*T PUNO

Ngayong araw ng mga puso, paano mo 'to ice-celebrate? Magwa-walwal ka ba? Or may date? I-talk sh* puno na natin ang araw na'to! Pag-usapan natin kung dapat nga bang ibaba ang standard pag dating sa partner para lang magka-jowa? Kung jowang-jowa, ano ba dapat ang gawin? Para lang sa mga may puso ang ep na 'to! LOL. Kinig-kinig na!

What is TALK SH*T PUNO?

Hindi lahat ng umiinom, nagwa-walwal o may pinagdaraanan.

Yung iba... nagpo-podcast. 🎙️🍻🥴

Alam mo naman siguro kung gaano kalawak ang topics ng mga umiinom? At nagiging highly opinionated sila sa mga bagay-bagay, itong-ito yung podcast na yun eh!

Mapapa-English pa nga pag rurok na ng inuman! LOL.

Ito ang podcast ng mga nanghihiram ng lakas ng loob... sa alak!? 🎙️🍻🥴

TALK SH*T PUNO! The Podcast
Produced by FLM Creatives and Productions, Inc.